jarellJOMcorpuz

jarellOFFICIAL

About Me

My photo
-a person, a stage performer, a fashionista, a friend to many, a brother, a son, a follower, a student, a street comedy spiller, a model, a street smart individual, a purpose seeker, a goal setter, a frustrated lover, an uplifter of a downer, an adviser and a simple man living in my not so ordinary life... --i believe that nothing happens by accident, everything that we encounter are meant for us... --im not afraid of living life, considering its tough. --i am the captain of my ship and the master of my soul.

Monday, April 2, 2012


Masaya pa ba ako?
Paano ba maging masaya?
Ano ang mga bagay na magpapaligaya sayo ng totoo?

Ilan lang ito sa mga katanungan na laging gumugulo sa isipan ng mga kabataan sa ngayon. Mga tanong na nananatiling katanungan, at hindi mahanap ang kasagutan. Ang magbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan ang unang bagay na hinahanap natin, maraming bagay na maaaring magbigay sa atin nito, ngunit, gano katagal na kasiyahan? hanggang kailan na kagalakan?

Dumating na ba tayo sa sitwasyon na pag tayo na lang mag-isa bigla na lang tayo maiiyak dahil hindi na natin gusto ang mga nangyayari sa buhay natin o napagtanto natin HINDI na tayo MASAYA? minsan kailangan natin ang oras o panahon na mapag-isa para tanungin ang ating sarili, Kamusta na AKO? para harapin ang ating sarli, makipag digmaan sa ating sarili (labanan ng Isip at Puso) para mapagtanto natin kung nararanasan ba natin ang tunay na kaligayahan. 

Tayong mga kabataan, gusto natin lagi ung multi-tasking, ung magulo, ung marami tayo, makipagkaibigan, makipaglaro, kiligin, ma-inlove at mahalin. Ngunit sa mga bagay na ito, ito ba ang nagbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan.?

Sa aking personal na karanasan bilang isang kabataan, nais kong ibahagi sa inyo ang ilang mga aral na natutunan ko sa buhay tungkol sa usaping ito. Unang tanong paano nga ba maging masaya? nagsisimula ito sa pagtanggap ng totoo, kung sino ka at ano ka. PAGTANGGAP o ACCEPTANCE sa realidad ng iyong buhay, dahil kung tayo ay magtatago sa maskara ng kasinungalingan at pagpapanggap kahit kailan hindi natin mararanasan ang tunay na kaligayahan. Matutunan nawa natin na i-appreciate ang mga maliliit na bagay na mayroon at nangyayari sa araw-araw. At dahil dito matututunan nating MAGPASALAMAT sa Panginoon sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay niya sa atin. 

Saan ito matatagpuan?
Sa aking naranasan, kakaibang kaligayahan ang naidulot nang makilala ko si God, mapalapit sa kanya at lalo na nag maglingkod sa Kanya. Ang Panginoon ang source ng kaligayahan na ating hinahanap. Lumapit tayo sa kanya at ating masusumpungan ang Tunay na KALIGAYAHAN.

Tayo ang susi sa kaligayahang ito. nagsisimula sa ating mga sarili ang pagkamit nito.

Ang pagiging masaya ay isang desisyon na tayo mismo ang pipili, its our CHOICE!

Kaya Know GOD, Love GOD and serve GOD!

Jarell Corpuz
#lakbaydiwa

No comments:

Post a Comment