jarellJOMcorpuz
jarellOFFICIAL
About Me
- lakbay
- -a person, a stage performer, a fashionista, a friend to many, a brother, a son, a follower, a student, a street comedy spiller, a model, a street smart individual, a purpose seeker, a goal setter, a frustrated lover, an uplifter of a downer, an adviser and a simple man living in my not so ordinary life... --i believe that nothing happens by accident, everything that we encounter are meant for us... --im not afraid of living life, considering its tough. --i am the captain of my ship and the master of my soul.
Friday, April 6, 2012
ANG BUHAY NG TAO AY SADYANG MAPANGHAMON. DARATING SA ATING BUHAY ANG LAHAT NG PAGSUBOK UPANG HUBUGIN TAYO PARA MAGING MAS PALABAN SA PAGHARAP SA BUHAY. ANG LAHAT NG PAKIRAMDAM AY ATING MARARANASAN NA MAGHAHATID SA ATIN UPANG MAS MAGING ISANG MABUTI AT GANAP NA NILALANG.
KASIYAHAN NA NAGHAHATID NG NGITI AT KULAY SA ATING BUHAY. KALUNGKUTAN UPANG BIGYANG HALAGA ANG LIWANAG, DUMARATING ANG KALUNGKUTAN UPANG MAS MAKILALA NATIN ANG HALAGA NG MGA BAGAY NA NASA ATING PALIGID AT BUHAY. NAWAWALA ANG ISANG BAGAY UPANG MAKITA NATIN ANG HALAGA NG MGA ITO. NATATAKOT TAYO PARA LUMABAS ANG TAPANG NATIN UPANG BUONG LOOB NA HARAPIN ANG MGA BAGAY NA AYAW NATIN GAWIN AT TANGGAPIN.ANG TAKOT AY BUNGA NG KAMANGMANGAN. NATATAKOT TAYO DAHIL DI NATIN ALAM O DI PA NATIN NASUBUKAN AT DAHIL DUWAG TAYO NA TANGGAPIN O MALAMAN NA MAHINA TAYO.NAHIHIYA TAYO MARAMI TAYONG INSECURITIES SA ATING SARILI. MINSAN TAYO PA MISMO ANG NAGPAPABABA SA ATING SARILI. TAYO MISMO ANG DAPAT NA NAG-ANGAT SA ATING MGA KAKAYAHAN AT PAGKATAO, WALANG IBANG TAONG MAKAKAGAWA NG MGA ITO KUNDI ANG ATING MGA SARILI.
NAGMAMAHAL TAYO UPANG MAGKAROON NG KAHULUGAN ANG ATING BUHAY PERO MINSAN ANG PAGMAMAHAL ANG NAGHAHATID SA ATIN UPANG HUMINTO ANG ATING PAGLAGO DAHIL NAGMAMAHAL TAYO NA NAKASENTRO SA PAKIRAMDAM. ANG PAGMAMAHAL AY NAGMUMULA SA OBJECTIVE CONDITION NA NAGBUNGA NG PAKIRAMDAM NA ITO. DAHIL ANG PAKIRAMDAM O DAMDAMIN AY MADALI MAWALA, WALA TAYONG MAAARING BALIKAN NA MGA DAHILAN BAKIT TAYO NAGMAHAL DAHIL NARAMDAMAN LANG NATIN. PAG DARATING ANG TIME NA SABIHIN NATIN NA HINDI NA NATIN MAHAL ANG ISANG TAO, BALIKAN NATIN ANG MGA DAHILSN BAKIT NATIN SIYA MINAHAL KUNG ANG MGA ITO AY HINDI NA NANGYAYARI O NARARANASAN DUN NATIN MASASABI NA TALAGANG WALA NA ANG PAGMAMAHAL.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment