jarellJOMcorpuz

jarellOFFICIAL

About Me

My photo
-a person, a stage performer, a fashionista, a friend to many, a brother, a son, a follower, a student, a street comedy spiller, a model, a street smart individual, a purpose seeker, a goal setter, a frustrated lover, an uplifter of a downer, an adviser and a simple man living in my not so ordinary life... --i believe that nothing happens by accident, everything that we encounter are meant for us... --im not afraid of living life, considering its tough. --i am the captain of my ship and the master of my soul.

Friday, January 29, 2010

reflection 3

NAMALAGI ako sa Pilipinas sa loob ng dalawmpung araw. Bumisita ako sa mga pampublikong hayskul, dinidinig ang mga personal na kuwento mula sa mga guro, kabataan at miyembro ng komunidad na nakikibaka upang baguhin ang mga kondisyong bunsod ng kasaysayan.

Dito, tumangging manatiling abstrakto o di maunawaan ang mga konseptong nababasa ko sa mga libro katulad ng mga salitang ‘kaapihan’, ‘panunupil’ at ‘pagsasamantala’. Para sa maraming mamamayang Pilipino, ang mga konseptong ito ay repleksiyon ng pangaraw-araw nilang karanasan.

Sa gitna ng aking maikling biyahe, maraming mabibigat na pangyayari nagaganap. Pinakamalimit pag-usapan sa mga ito ang matinding pag-aalala sa pagpasok ng ekonomiya ng Estados Unidos sa mas malalim pang krisis. Malinaw sa mga nakararaming Pilipino na ang implikasyon isang krisis pang-ekonomiya na di pa natanaw muli mula noong Great Depression.

Ayon sa kanilang pagkakaunawa, lilikha ito ng mas malalim na paghihirap para sa kanila habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas at langis lampas sa sahod ng isang populasyon kung saan kumikita ang mayorya ng mababa pa sa $2 sa isang araw. (Pero sinasabi naman ng World Bank, hindi ka mahirap kung ikaw ay kumikita ng mas mataas sa $1.25 sa isang araw!)

Bisita

Sa pagbisita sa isang pampublikong paaralan, nagkaroon ako ng pagkakataong mapakinggan ang mga kondisyon sa buhay ng isang tsuper ng traysikel. Nagtatrabaho siya ng mahigit pa sa sampung oras sa isang araw. Ang kanyang oras ng paggawa ay magsisimula sa ganap na ika-6 ng umaga. Ang banggit sa akin, kumikita siya ng humigit-kumulang sa P100 ($2). Bagamat nakabasa na ako ng mga estadistikang sumusuporta sa partikular na testimonyang ito, ganap pala ang pinagkaiba kung marinig ito mula sa isang tao na maaari mong mahawakan at matingnan ng direkta, mata sa mata.Ang gayong mahahabang oras para sa mga manggagawa ay hindi tinuturing na anomalya. Samantala, ang ang oras sa paglilibang ay isang prebilehiyo.

Habang kausap ang mga guro mula isang pampublikong paaralan, nabatid ko na hindi pala posible ang magtrabaho bilang guro at mapunan ang mga batayang pangangailangan. Kaya sa minimum, may isa pang trabaho lahat ng gurong nakausap ko (hal. pagiging tutor). Kahit pa kumayod ng maraming trabaho, natutulak pa rin sa pangungutang ang mga guro upang mapagkasya ang kanilang sahod. Ang banggit sa akin ng isang guro, siya rin ay isang mangingisda at tsuper ng traysikel.

Naglalaman ng dagdag na umento sa sahod na P9,000 ($191) sa kahabaanng tatlong taon ang isa sa mga malaking kampanyang pinangungunahan ng Alliance of Concerned Teachers. Nakiisa ako sa humigit-kumilang na dalawang libong (2,000) gurong nagmartsa sa Kongreso sa isang makapangyarihang mobilisasyon para sa karampatang kumpensasyon sa kanilang oras sa paggawa.

Kung maipapatupad, magiging maugong na tagumpay ang panawagan ng chant ng mga guro: “Upgrade teachers’ salaries now!” Sa ganong pangyayari, magiging kapantay na ng mga katulad nilang guro sa Estados Unidos ang matatanggpap na suweldo ng mga Pilipinong guro sa loob ng isang taon.

Kalagayan ng mga estudyante: mas masahol pa

Habang masama na ang kundisyon ng mga guro, mas masahol pa ang kundisyon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Binabanggit ng marami sa mga gurong nagkapalad akong makausap na sa bawat 100 mag-aaral ay mayroon lamang 1 guro. Hindi pambihira ang ganitong student-to-teacher ratio. Sa ilang pampublikong paaralan na aking napuntahan, siksikan ang mga klasrum, hinahati pa nga ng isang klasrum ng ilang chalkboard para mapagkasya pa ang mas maraming mag-aaral. Napupuwersa ang mga mag-aaral na matutunan ang kanilang pang-araw-araw na leksiyon sa labas, sa ilalim ng mga puno at sa mga pasilyo ng bilding.

Natutunan ko rin na hindi lang pala student-to-teacher ratio ang ratio na mayroon para sa mga mag-aaral. Meron ding toilet/pupil ratio. Sa mga pinakamasahol na kaso, may mga paaralang may iisang toilet para sa dalawang libong (2,000) mag-aaral.

Ibinahagi rin ng mga guro ang matinding hamon ng pagiging guro ng kabataang biktima ng malnutrisyon. Sa isang pampublikong hayskul na aking nabisita sinabi sa akin ng mga guro na humigit-kumulang sa 75% ng kanilang mag-aaral ang malnourished. Ngunit agad din nilang pinaalala na mas malala p rito ang matutunghayan kong kundisyon kung bibisita ako sa mga probinsiya at iba pang isla.

Nahulog ang puso ko sa pagbabahagi ng ilang personal na kuwento ng isang grupo ng mga aktibong guro mula sa Pasig. Sinabi nila sa akin na marami sa kanilang mga mag-aaral ang nagtatrabaho bilang basurero na namumulot ng mga bote at bag na plastik bago at pagkatapos ng klase upang makaambag sa kinikita ng kanilang mga pamilya.

Naikuwento sa akin si Manuel, estudyanteng naglalakad ng dalawang oras para makapasok sa paaralan sa bawat araw at hiwalay na oras pa ang rutang pauwi. Hindi ko natiyempuhan si Manuel sa pagbisita ko sa eskuwela niya dahil lumiban siya noong araw na iyon. Bago matapos ang araw, nalaman ko ang dahilan kung bakit hindi siya nakapasok. Nang araw ding iyon, namatay daw ang kanyang kapatid na babae sanhi ng asthma.

Kasabay ng pakikipagkaisa sa mga guro mula sa elementarya at sekundaryong pampublikong paaralan, nagkaroon din ako ng oportunidad upang makasama ang mga miyembro ng kaguruan ng Contend (Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy) mula the University of the Philippines, Diliman.

Nakarinig ako ng mga kuwentong naglalaman ng sukdulang panunupil. Isang propesor mula sa University of Eastern Visayas [Jose Maria Cui] ang lumahok sa kolektibong pagkilos upang maunawaan ang ugat ng mga problema ng sistema ng edukasyon at ang mahigpit na ugnayan nito sa kasaysayan ng Pilipinas at binaril habang nagbibiay ng exam sa loob ng kanyang klasrum. Ibinahagi rin sa akin ang psychological warfare na ipinatutupad ng gobyerno sa pamamagitan ng mga forum at workshops na isinasagawa ng militar sa iba’t ibang mga kampus upang pahinain ang loob ng mga mag-aaral na lumahok sa aktibismo.

Mas malala rito ang kalagayan ng mga estudyanteng di lamang nagsusumikap gagapin kundi mas mahalaga ang baguhin ang mga kundisyon sa kanilang bansa. Nanganganib silang maging isa sa libong bilang ng mga indibidwal na dinukot o pinaslang dahil sa kanilang pakikisangkot sa progresibong mga organisasyon sa kanilang mga komunidad.

Lengguwahe, salamin ng lipunan

Habang lubusan akong natuto, nakaranas din ako ng matinding pagkabigo dahil sa kawalan ko ng kakayahang magsalita ng wikang Tagalog. Napatunayan ko na isang kahanga-hangang salamin ng lipunan ang isang buhay na wika, kalakip ng bokabularyo at mga ekspresyon nito.

Nagbibigay ito ng mainam na silip para sa mga praktika at mga bigkis na kayang pagkaisahin ang mga mamamayan sa isang pulitika at kulturang pambansa. Sa pangdarayuhan, ang bisita o ang dayuhan ang malimit na kinakailangang gumawa ng paraan upang makapangusap siya sa mga taong nais niyang makaulayaw at kapanayamin.

Mabigat ang ang mga implikasyon para sa isang sistema ng edukasyon (at sa historikal na relasyon sa pagitang Estados Unidos at ng Pilipinas) kung ang mga mamamayan ay maaaring (at ginawa nga nila ito) gumawa ng paraan na isalin sa wikang Ingles ang kanilang mga ideya para lamang maibahagi ito sa akin.

Walang dudang naging mahirap ang biyaheng ito. Ngunit, naging dakilang balon din ito ng inspirasyon at pag-asa dahil pinaalala nito sa akin ang kahalagan ng pagsasanib ng kritikal na pag-iisip at sama-samang pagkilos.

Ramdam ko ang matinding pasasalamat para sa pagkakataong matuto, makapagbahagi at makilala ang mga taong sangkot sa makasaysayang pakikibaka upang baguhin ang lipunang Pilipino upang nang sa gayon, at sa bandang huli, ay magawan ito ng ibayo at bagong kasaysayan.

No comments:

Post a Comment