ang aking pamilya bow. (palakpakan) klap klap klap...ang aking ama ay si orly isang ama na matatag ang paniniwala sa paglilingkod sa bayan, isang taong hindi mababali ang pagmamahal sa bayan.
ang aking ina na si beth isang maalagang ina. akalamo ay mahigpit subalit punong-puno ng tatag sa pagharap ng mga problema at pagsubok sa aming pamilya.
ang nag-iisa kong kapatid na babae si ampil, ang natatangi kong kapatid na kasabay ko sa tawanan at kalungkutan. kasama ko sa pagsasayaw at paglilingkod sa kapwa. isang simpleng babae na dakilang nagmamahal sa kanyang asawa.
si jason na ang tanging kausap ay ang kanyang sariling pagkatao. nailalabas ang sarili na hawak ang kanyang panulat at ang notebook na tanging nakakaalam ng kanyang nararamdaman at naiisip. isang musikero at malambing na kapatid. adik sa celphone. mahiyain sa personal bolero sa celphone.
si jawo na naiiba ang kulay ng balat sa aming lahat magkakapatid. may katigasan ang ulo. pero may tinatagong kabaitan. isang lalaking mapaglaro sa pag-ibig. nais na makilala ang kalawakan ng mundo. hilig nya ang makipaglaro sa hamon ng buhay. iyakin yan pero iniiyakan ng maraming babae.
si jolas na aming bunso na pinaglihi sa talong. magaling maglaro ng basketball yan. at nakikita ko na isa syang malambing na tao. mahilig sya na sumandal at idikit ang kanyang balat kay mama at sa akin. sya ang unang bumibili ng aking mga patawa. isang mabuting tao at mahal ang aming pamilya.
at ako ang inyong lingkod na mahilig kaulayaw ang mundo. makipaglaro sa kawalan. mahal ko ang paglilingkod sa kapwa. isang simpleng tao na nag nanais ng isang masaya at maginhawang buhay para sa aking pamilya at sa marami pang pamilya.
ito ang aking pamilya. pamilya na aking mahal. na unang una sa aking puso.

No comments:
Post a Comment